A Travellerspoint blog

October 28

My Father

all seasons in one day 8 °C

How could I ever forget this date, October 28 (2004)? Every time this time of the year comes just like any special occasions like Christmas and New Year it brings happiness and joy to my heart but for the date mentioned above, it is the other way around, sadness and tears to me especially and to my family as well. Apat na taon na din pala kaming ulila sa pagmamahal ng isang ama at ang aking ina .

Let me share this with you. Pareho kaming Overseas Filipino Workers (OFW) na aking ama sa Gitnang Silangan. Lumaki akong hindi closed sa kanya because of our individual indifferences, specifically my personality being gay. Hindi naging madali sa aking ama ang tanggapin ako bilang ako. Basta ang naging relasyon ko lang sa kanya (at that time) ang pagiging father and son relationship naming dalawa. Other than that ay wala na, unlike sa mga naririnig mong ibang istorya na kung saan ang kanilang ama ay hindi lang nila ama kundi kaibigan, tropa, kasalya o ano pang pwede mong itawag.

Pasalamat na lang ako kasi buhat nang maging OFW kaming dalawa ay doon nagsimula ang pagiging closed namin sa isa’t-isa. Minsan nang nawalan ng trabaho ang aking ama habang nasa Saudi ay swerte naming nakalipat siya agad sa isang kilala at malaking kompanya (AT&T Technology). He really went to my office (McDo-KSA) and share the good news. He even showed me his contract. Pero at that time parang isang ordinaryong araw lang sa akin kaya ang magandang balita ay wala lang, okay lang. Masaya din ako para sa kanya pero I did not show it. I wonder kung ano ang naging feeling ng aking ama noong umalis siya. Hindi ko na nalaman pa.

Habang tumatagal kaming dalawa dito ay naging parang kaibigan ko na din ang aking ama. Nagbibiruan kami kahit sa tawag lang kasi nga ay malayo din kami sa isa’t-isa, especially pag may sakit ako o siya. Biro namin, “Wala ka, mahina ang katawan mo, wala ka kasing exercise.” Yan ang favorite naming linya.

Ilang pagkakataon na din naman ang nagkita kami sa Saudi Arabia. Paano ko ba malilimutan ang Ramadan ng 2003? Kasi eto yung panahon na huli kaming nagkita sa Alisa Souk Al Khobar. Winter season noon at niyaya niya akong mag-fishing at pabiro niya sinabi magsu-swimming tuloy. Doon ko siya huling nakita, ang kanyang mga ngiti (na may kasamang dimples o beloy sa knayang magkabilang pisngi) at pag-asang magkakasama kami sa aming family reunion the following year. Nagkaroon din sana ako ng pagkakataon na makita muli pero hindi na nangyari yun.

October 28, 2004, mga bandang 7 ng gabi. Nakatanggap ako ng tawag buhat sa aking kapatid galing sa Pilipinas. Umiiyak siya at sinabi niya na i-check ang sitwasyong ng papa namin kasi nakatanggap siya ng hindi magandang balita. Tinawagan ko ang cellphone number ng papa ko pero walang sumasagot, Sinubukan ko ulit tawagan pero naka-off na eto. Maka-ilang oras ay may tumawag na sa cp ko, kinabahan ako but I maintained my composure and positive attitude na masamang biro lang ang balita na sinabi sa akin ng aking kapatid. Pero hindi, yung tawag na yun ay confirmation na wala na talaga ang papa namin. Hindi ko alam kung sisigaw ako o iiyak o magwawala, as I was driving with my best friend PM at that time. Ginawa ko ang dapat kong gawin, ang puntahan siya sa Riyadh, Central Region of KSA (nasa Jubail Eastern Region naman ako). Pero huli na, worst is Ramadan time pa kaya ang work time is short. Nasa morgue na ang papa ko. I was told na dead on arrival siya.

Kinuwento sa akin ng mga kasama ng papa ko ang detalye kung ano ang nangyari. Ipagpaumanhin n’yo pero hindi ko na kayang isipin o alalahanin pa ang mapait na sinapit ng aming ama. Minsan, sumasagi sa isip ko, “Ano kaya kong ang ama ko noon ay hindi naglaro ng tennis at doon siya inatake ng Hypoglycemia* sa kanyang kuwarto? o di kaya naman “Kung nandoon ako noong time na inatake siya, meron kaya akong nagawa upang maisalba siya?” Marahil ay kasama pa namin siya hanggang ngayon. Pero ang katotohanan, hindi ko maririnig ang mga biro niya sa akin at hindi ko na rin makikita ang mga biloy niya sa kanyang mukha pag ngumingiti siya. Higit sa lahat hindi ko na mararamdaman pa ang yakap ng aking ama.

I remember a line from an animated movie Kung Fu Panda, Oogway (the tortoise) said, that “there are no accidents”, so naisip ko lang na yun lang ang naging paraan ng aking ama to exit the world. Hindi naman naging maganda at maayos ang paglisan niya hindi na niya kami pinahirapan pa. Sabi nga ng mas mga nakakatanda sa amin, kaya daw ganun na lang kabilis kinuha si papa namin ni Lord ay mabait siya na mapapatunayan hindi lang namin na pamilya niya kundi maging ang kanyang mga kaibigan at kakilala dito sa Gitnang Silangan.

  • (also called low blood sugar, occurs when your blood glucose (blood sugar) level drops too low to provide enough energy for your body's activities.)

Posted by addyict 02:45 Archived in Saudi Arabia Tagged events Comments (2)

(Entries 1 - 1 of 1) Page [1]